So, apparently, M. Night Shyamalan still sucks. On the plus side, that's one less movie ticket to blow money on, and the very existence of the movie means we get to read a hilarious-as-usual blog post from Jun Lana:
"Inabangan ko talaga ang pelikulang ito. Feeling ko dito babawi si Shyamalan pagkatapos siyang laitin ng buong universe sa Lady in the Water. 11 am pa lang nasa Shangri La na ako para manood. Eh 12:45 pa pala ang 1st screening. OA. Huling beses na inabangan kong magbukas ang sinehan, may career pa si Nora Aunor. Nahila ako ng mommy kong manood ng Ang Totoong Buhay ni Pacita M. Siyempre panay Noranians ang kasabay namin. Tuwing may dramatic moment si Ate Guy, nagpapalakpakan ang fans. At may mga taong pumupwesto sa harap ng screen pag may close up si Ate Guy at nagpapapiktyur. How bakya, sabi ko sa sarili ko. Siyempre feeling ko sosyal ako. Naloka ako nung biglang maglabas ng camera ang mommy ko at gustong magpapiktyur din.
. . .
"Kaya eto depressed ako. Dahil mahirap tanggapin pag pumapalpak ang idol mo. Katulad ito ng depression ng mommy ko nang manood kami ng ’Merika ni Ate Guy. Tatatlo lang kami sa loob ng sinehan. At yung pangatlo eh usher pa. Pero kahit papano may angking ganda naman ang ‘Merika. Eh etong The Happening? Hay. Di ko alam kung saan magsisimula."
Click here for the whole post.
8 hours ago
No comments:
Post a Comment